Okay, ano ba ang pinagkakaabalahan ko ngayon?
Still in review. Oh Lord, please help me.
Intensive review na namin, but still.. hindi pa rin sobrang nagsi-sink-in sakin na sa November 29-30 na yung board exam.
Discipline.. where are you?! Kailangang-kailangan kita ngayon. Kailangan ko ng disiplina sa pag-aaral at disiplina na huwag muna mag-aksaya ng oras sa mga bagay na hindi naman importante sa ngayon
(example: panonood ng mga variety show at drama series)
Double T. Tumblr & Twitter
Dahil nga review mode ako ngayon (really
) medyo nag li-lo ako sa pag-iinternet.
As in. dahil hindi ko naman talaga kaya ng walang interent. And thankfully I’m no that into Facebook, Multiply and Plurk anymore.
Idagdag mo pa yung blogging, di na ako masyado nakakapag-post ng mga entries. Ang tanging pinagkakaabalahan ko sa net ay ang Tumblr at Twitter.
So, what’s with Tumblr?
According to their “about” page:
“Tumblr lets you effortlessly share anything. Post text, photos, quotes, links, music, and videos, from your browser, phone, desktop, email, or wherever you happen to be.”
Para sakin, this is the easiest way to blog.. Parang pinagsama-samang blogger, plurk, twitter at multiply. Pero mas madaling gamitin. Oh well, na-mention ko na dito na ginawa ko ng fangirl site ko yun.. So karamihan sa mga post ko e about fangirling.
Madami rin akong nakikilala na adik sa mga Asian Stars.
At dahil ang daming mga artistic, creative and bright minds na nagkalat sa Tumblr, marami talaga kong nakukuhang kung anu-ano.. It’s like: “Microblogging at its best!” 
Twitter? Do I need to say more?!?!
I used to be a loyal plurker, pero dahil sa nakaka-frustrate na karma points,
nawalan na ko ng gana mag-plurk. I’m just keeping it kasi kahit papano mahal ko pa rin ang plurk.. But now, I’m more active in Twitter. Plus the fact na mas madali siya i-access via mobile web, mas nakakapag-update ako kahit papano.. at higit sa lahat, wala akong aalalahaning karma points. Just tweet!
Ukay-ukay afficionado!
Si Mama ang nagsimula nito, nung mga March pa.. Nag-eenjoy siya mag ukay-ukay ng mga palda, at dahil hindi ko naman hilig magpalda, hindi ko feel sumama pag mag-u-UK siya.. Tapos one time, sumama ako.. and the rest is history..
Hahaha! The best mamili sa UK, mura lang talaga.
Hindi naman second hand yung mga tinda nila, yun yung mga factory defects at saka surplus from the other countries.. And superrrrrr nag-eenjoy talaga ako
. And because I started loving vintage stuff, sobrang swak sakin ang UK. At ako kasi yung type ng girl na hindi bumibili ng mga mamahalin na damit, kasi madali ako magsawa, so nakakapanghinayang kung bibili ako ng medyo mahal. At saka, ayoko na mag-suot ng USO na damit… ’cause everyone’s wearing it.. Ayoko ng maraming kapareho.. Well anyway.. ang latest kong addiction ngayon sa UK ay mga jackets and coats. Kahit wala namang winter dito sa Pinas,
feel na feel ko pa rin mag-jacket kasi madali akong lamigin
. At saka they are so fashionable.. it never get s old. The last time, bumili kami ng dalawang jacket. which is worth around 3K kung sa mall ko bibilhin, [I swear, I saw that (almost the) same style in Glorietta/Trinoma], I only got if for only P80.00,
yung dalawang jacket na yun ha! the best talaga.. I’m gonna post a picture of that jacket pag naayos na yung camera ko…
And speaking of camera,
namimiss ko na talaga yung camera ko
. Three months na siyang sira at parang matagal pa bago ko maipagawa yun. Wala pa kasi akong pera.. (so matatagalan pa bago ako makapag-post ng pictures dito
)
Yan na muna.. This is overrated but I’ll try to post more, as much as possible.. Bye!
Tags: gadgets, jacket, Tumblr, Twitter, ukay-ukay
This entry was posted on Thursday, October 15th, 2009 at 2:19 PM and is filed under Mixed Topics, Updates/Latest. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
October 15th, 2009 @ 2:19 PM | 1017 words in post | ♥ 
Penguin-obsessed








